This is the conversation I just had with my son a couple of minutes ago. I tried to write the words as exactly as I remember them, but of course, I could only remember so much.
_
Barok: Francis, gusto kasing mag-punta ni Mommy sa Bacolod. Malayo yun.
Mokong: Sasakay ng airplane?
Barok: Opo. Meron kasing fiesta dun. Alam mo ba yung fiesta?
Mokong: Opo. Celebration.
Barok: Tapos, meron silang parang parade dun. Yung mga nagsasayaw sa kalsada. Parang yung mga ati-atihan. Alam mo ba yun?
Mokong: Opo.
Barok: Gusto kasing magpunta ni Mommy dun.
Mokong: Kelan yun?
Barok: Bukas, pagkatapos ng school mo, sasakay tayo ng airplane. Tapos, dun tayo matutulog ng Friday night. Tapos, doon din ng Saturday night. Tapos, Sunday evening, uuwi na tayo. Dun tayo mag-i-sleep sa mga lola ko, pero ibang mga lola yun.
Mokong: Kasama natin si Tito Bong?
Barok: Hindi. Tayong dalawa lang.
_(Puts his hands on his eyes, covering them.)
_Barok: O, bakit?
Mokong: Iniisip ko kasi...
Barok: Ang alin? Nagligpit na nga si Mommy ng damit natin eh. Lalagay ko na lang sa maleta mo. Gusto kasing magpunta ni Mommy dun. Kaya lang, maraming tao dun ha kasi fiesta. Tsaka baka mahaba yung lalakarin natin sa kalsada.
Mokong: Eh pano pag na-tired tayo?
Barok: Eh di mag-re-rest tayo. Pero dapat, he-help mo si Mommy sa pag-carry ng bag, ha.
_(Puts his hands on his eyes, covering them again.)
_Mokong: Parang hindi, Mommy.
Barok: Ang alin ang hindi?
Mokong: Parang hindi na lang.
Barok: Hindi na lang pupunta ng Bacolod?
Mokong: Hindi na lang ako sasama.
Barok: Eh, pag walang kasama si Mommy, hindi na pupunta si Mommy sa Bacolod.
Mokong: (teary-eyed) Magagalit ka, Mommy?
Barok: Hindi, pero ma-sa-sad si Mommy.
Mokong: Bukas ma-sa-sad ka pa rin ?
Barok: Oo.
Mokong: Eh, sa Saturday, ma-sa-sad ka pa rin ?
Barok: Oo.
Mokong: Eh, sa Sunday?
Barok: Oo, kase syempre, gustong pumunta ni Mommy dun.
_(Mokong now crying.)
_Barok: Ay, bakit ka umiiyak?
__(No answer.)
_Barok: Ay, look at Mommy. Hindi ako magagalit, bakit ka umiiyak?
_(Still no answer.)
_Barok: Bakit sabi mo hindi na?
Mokong: (In between tears) Eh, kasi maraming tao.
Barok: Eh, ano naman ngayon kung maraming tao?
Mokong: Eh, baka matatamaan ka nila.
Barok: Eh di dun tayo sa malayo, dun sa konti ang tao. Hindi tayo lalapit dun sa maraming tao.
Mokong: Eh paano kung merong biglang dumaan sa likod.
Barok: Eh okay lang yung kung maraming tao. Diba, ikaw ang nurse ni Mommy?
Mokong: Eh baka matatamaan ka nila, wala akong magagawa. (Cried more).
Barok: Bakit wala kang magagawa?
_(Silence.)
_Barok: Bakit wala kang magagawa?
Mokong: (In between tears) Baka wala tayong gamot dun.
_Realizing how he imagined what might happen to me while in Bacolod and how he felt helpless should something does happen to me made me cry. Sure, there’s disappointment for his final decision of not pushing through with this Bacolod trip, but the mere thought that he was more concerned for me was overwhelming. I cried with him.
_Mokong: Mommy, bakit ka umiiyak?
_(My turn to reply with silence.)
_Mokong: Na-sa-sad ka na eh. (And he cried more.)
_I still can’t answer. Mokong got up, took a face towel from the pile of clothes nearby and gave it to me. I cried even more, and so did Mokong.
_Barok: Francis, eh bakit ka nagka-cry?
Mokong: Eh kasi, sad ka. Pag sad ka, sad din ako.
Barok: Hindi. Hindi sad si Mommy.
Mokong: Sorry na, Mommy.
Barok: Ay, Francis, hindi. Sad si Mommy kasi hindi na pupunta ng Bacolod. Pero mas happy si Mommy kasi inisip mo baka matamaan si Mommy ng maraming tao. Mas happy si Mommy dun. Sasabihin ko kay Jesus, magte-thank you ako kasi binigyan ako ng very good boy.
_Our conversation didn’t exactly end there. I had to re-assure him that I’ll be okay. I am sad, but I am also happy. A few minutes after, he was asleep. Really, what have I done in this lifetime to deserve a son like him?
_
Hayyyy.... Ang drama naming mag-ina!
_